‘No helmet, no travel policy’ mahigpit na ipatutupad

MAHIGPIT na ipatutupad ng Philippine National Police ang “no helmet, no travel policy” upang maiwasan ang mga aksidente sa mga lansangan na kinasasangkutan ng mga motorsiklo.

Ito ang sinabi ni NCRPO Police Director Alan Purisima na walang sasantuhin ang kampanyang ito  ng PNP.

Sa isang forum sa Quezon City ay tiniyak ni Purisima na seryoso ang PNP para mahigpit na ipatupad ang paghuli sa mga nagmomotorsiklo na walang helmet at mga walang plaka para matiyak ang seguridad ng mga drayber nito.

Nauna nang sinampulan ng PNP Highway Patrol Group ang paghuli kamakalawa sa mga nagmomotorsiklo sa harap ng Camp Crame Edsa, QC na karamihan ay walang suot na helmet.

Samantala, tiniyak din ni Purisima ang pagsugpo sa iligal na sugal partikular na ang jueteng at ang mga “kotong cops. ”

Tututukan din ang patuloy na pagsasaayos ng reporma sa PNP at gayun din ang mahigpit na pagbabantay ng PNP sa mga komunidad para sa katahimikan ng lahat.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply