No sex sa war freak na mister

GUSTO ng United Nations na gawing ehemplo sa mga may naglalabang lugar ang idea na no sex sa mga war freak na mister gaya ng kampanya sa isang barangay sa Mindanao.

Ito ay kasunod ng ginawang pagkilala ng United Nations sa  ginawang hakbang ng mga babae sa Barangay Dado sa Mindanao kung saan nagbanta na magsasagawa ng “sex strike” ang mga misis kung susuong sa away ang kanilang mga mister.

Ayon sa United Nations High Commissioner for Refugees (UNHCR), dahil sa sex strike, wala nang tensyon sa barangay ng Dado.

Ayon kay UNHCR national officer Rico Salcedo na naging masaya at magana pa ang pamumuhay ng 102 pamilya sa naturang lugar.

Nabatid na kabilang ang lugar ng Dado sa marami ang insidente ng patayan, awayan ng pamilya at agawan ng lupa.

Mismong ang mga babae raw sa Dado ang nakaisip ng naturang paraan.

Nabatid na may grupo ng mga babae ang nagtayo ng patahian ngunit nahirapan na magdala ng kanilang mga produkto sa bayan dahil sa banta ng kaguluhan.

Ayon sa UNHCR, palagi na lang may mga barilan kaya binantaan ng mga babae ang kanilang mga mister na hindi makikipagtalik sa mga ito kapag nakipag-away pa. Verlin Ruiz

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply