Nominasyon sa ICC, tinanggap ni Sen. Miriam

HINDI na nagpatumpik-tumpik si Senator Miriam Defensor-Santiago sa nominasyon ni Pangulong Benigno Aquino III bilang hukom ng International Criminal Court kaya mabilis nitong tinanggap ang alok ng Palasyo.

Sa kanyang liham, nagpaalam si Santiago kay Senate President Juan Ponce Enrile na lumiban sa plenaryo ng Senado upang magpunta sa The Hague, Netherlands, upang pormal na tanggapin ang nominasyon at mangampanya sa posisyon sa iba’t ibang bansa.

“This is to respectfully seek official authority to travel, at no expense to the Philippine Senate, to The Hague, Netherlands, for the period24 September to 2 October 2011,” ayon kay Santiago.

Hinilng din ni Santiago sa Senate Secretariat na markahan ang kanyang pagliban sa plenaryo ng Mataas na Kapulungan bilang “on official mission”  habang nangangampanya sa posisyon.

Nauna nang tinangka ni Santiago na makopo ang posisyon sa ICC noong nakaraang administrasyon, ngunit mahigpit na tinutulan ng US dahil hindi pa naaprubahan ng Senado ng Pilipinas ang Rome Statute na nagpapatibay sa pagiging miyembro ng Pilipinas sa naturang korte.

Nitong nakaraang Hunyo, inaprubahan ng Senado ang isang resolusyon na sumasang-ayon sa nilagdaang tratado ni Pangulong Aquino hinggil sa Rome Statute, isang binding document sa miyembrong bansa na lilitis sa sinumang head of state o matataas na opisyal nito na lumabag sa Crime against Humanity.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply