North Rail project pinarerepaso sa Palasyo

HINILING ni Senate minority leader Alan Peter Cayetano sa Aquino administration na ituon ang atensiyon nito na makakuha ng mas mahusay na termino at kalidad ng serbisyo sa pamamagitan ng pagrerepaso sa kontrata ng North Rail Project sa China National Machinery and Equipment Corporation (CNMEC).

Aniya, kalugud-lugod ang bagong inisyatiba ng administrasyon sa kaunlaran dahil higit na kailangan ng bansa ang mahusay na railroad system patungong Norte at lubha nang kailangan ang transportasyon patungong Clark International Airport.

“For it to be a viable international airport, passengers would need to get there within 30 to 45 minutes,” aniya.

Ngunit, ayon kay Cayetano dapat hindi mababahiran ng katulad na korapsiyon ang binagong proyekto na siyang nagdiskaril sa nakaraang North Rail contract.

“Dapat tugaygayan ng gobyerno ang pagsasayang, feasibility at corruption,” ayon kay Cayetano.

“As long as everything is kept above-board and transparent, then this project will surely be supported by the public,” dagdag ng senador.

Idinagdag pa ni Cayetano na malaki ang maitutulong ng railway system sa pagpapababa ng presyo ng pangunahing produkto kapag nagkaroon ng alternatibong land mass transport system tulad ng North Rail Project.

“Prices of consumer goods will be cheaper if these are transported via railway instead roads and highways,” giit ng senador. Ernie Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply