NPC kabilang sa MSGC program ng DPWH

BAHAGI ng pagbabagong-anyo ng Department of Public Works and Highways ang isinagawang programa na tinaguriang 1st Multi-Sector Governance Coalition (MSGC).

Ang programa ay sa pagitan ng DPWH management at MSGC stakesholder mula sa sektor ng civil society, professional, end-users, media ,service providers (contractors at consultants), academe at iba pang ahensya ng pamahalaan kung saan ang pangunahing isyu ay ang pagpapaunlad ng kakayanan at iba pang isyu na nauukol sa paghahatid ng serbisyong imprastraktura.

Ang mga lider at kinatawan ng Bantay Lansangan na si Jowil Plecerda, Guillermo Luz ng National Competitiveness, Mikunug Macud ng Phil. Inst. of Civil Engineers, Virgilio Madraso ng CECOPHIL at Mina Navarro -Diaz ng National Press Club ay nagtipun-tipon upang suportahan ang istratehiya ng DPWH sa paglikha ng kultura ng sama-samang pamamahala kung saan lumagda ang civil society sector sa isang pledge of support na tinanggap ni DPWH Sec. Rogelio Singson.

Iniluklok ng grupo si Alexis Acasio ng UP College of Engineering upang maging DPWH MSGC chairperson sa susunod na dalawang taon. Inaasahan na magsasagawa ang MSGC ng periodic assessment ng mga proyekto ng DPWH at performance nito at maglabas ng periodic na pag-uulat kabilang ang persepsyon ng publiko upang mapaganda ang “transparency” at “accountability” ng ahensya.

Inorganisa ang MSGC bilang advisory body na magbibigay ng payo at opinyon sa DPWH kung paano matagumpay na maaabot ang mga layunin ng DPWH Strategy Map at kaakibat na “transformation program”.

Tutulong din ang MSGC sa larangan ng technical expertise sa mga Public-Private Partnership ng ahensya  at madagdagan ang pamumuhunan ng pribadong sektor at partsipasyon ng pribadong sektor at siguruhin ang pagkakaisa ng ibat-ibang sektor. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply