Number coding walang bisa sa Lunes maliban sa Makati, Las Piñas

SANHI ng pagkakasa ng transport strike ng militant transport groups, aalisin muna ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang number coding scheme maliban lamang sa siyudad ng Makati at Las Piñas.

Sa ilalim ng number coding scheme, ang mga behikulong may plate numbers na nagtatapos sa 1 at 2 ay hindi papayagang gumamit sa major thoroughfares sa Metro Manila tuwing Lunes.

Nauna nang sinabi ng PISTON na itutulak nila ang transport strike bilang protesta sa patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo.

Ilang ahensiya ng gobyerno kabilang ang MMDA ang nakipag-koordinasyon sa bawat isa nitong nakaarang Biyernes para mabawasan ang ayuda ng pag-aaklas sa publiko.

Binalaan ni MMDA Chairman Francis Tolentino ang mga drivers at operators na magkakasa ng kaguluhan at mangha-harass na may katapat silang kaparusahan sa batas. Robert C Ticzon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply