Obispo tutol sa pag-aarmas sa traffic enforcers

MAHIGPIT na tinututulan ni Malolos Bishop Jose Oliveros ang panukalang armasan ang mga traffic enforcer ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Ayon kay Oliveros, noon pa man ay malinaw na ang kampanya ng Simbahang Katoliko na tutol sa armas o baril dahil pagmumulan lamang ito ng karahasan o kaguluhan.

Iginiit ni Oliveros na kailanman ay hindi solusyon ang baril sa pagkamit ng kaayusan sa isang lugar.

Nauna rito, nabuhay ang panukalang armasan ang mga traffic enforcer ng MMDA matapos na isang miyembro nito ang barilin ng isang sinitang motorista, na naglagay sa alanganin sa buhay nito.

Payo ni Oliveros, kung talagang nais na maging mapayapa ang sitwasyon sa trapiko ay dapat na daanin ang lahat sa mapayapang paraan.

“Daanin natin ito sa mapayapang paraan. Gusto natin na maging mapayapa ang sitwasyon sa trapiko doon tayo mag focus huwag sa baril,” aniya pa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply