Obrero pinugutan sa inuman sa Quezon

ATIMONAN, QUEZON— Pugot ang ulo ng isang manggagawa nang patayin ng kanyang kainuman sa Barangay Caridad Ibaba kagabi.

Kinilala ang biktima na si Jollan Leguro, 25, habang ang suspek sa pamamasalang ay si Ruben Palomares, 60, kapitbahay ng biktima.

Sa imbestigasyon, nabatid na nagkakasiyahan habang nag-iinuman ang mga kasamahang manggagawa sa isang kubo katabi ng hardware na kanilang pinagtatrabahuhan nang dumating si Leguro dakong 7:30 ng gabi.

Nang makisalo sa inuman si Leguro ay agarang tumayo si Palomares at naglakad papalayo na nagsabing bibili lang ng sigarilyo.

Matapos ang 30 minuto ay bumalik si Palomares na may hawak na jungle bolo saka tinaga si Leguro sa kanyang likuran bago tumakas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply