OFW galing Syria nasiraan ng bait

AALAMIN ng Department of Foreign Affairs (DFA) kung ano sinapit ng isang Pinay at kung bakit ito nasiraan ng bait nang bumalik ito sa bansa kagabi (September 22).

Ang Pinay ay kabilang sa kabuuang 22 mga overseas Filipino workers (OFW) na mula Syria kaugnay sa repatriation program ng pamahalaan.

Sinalubong ang mga ito ng mga opisyal ng DFA at Overseas Worker Welfare Administration (OWWA) paglapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Pero isa sa mga umuwing OFWs ay mistulang nabaliw dahil wala ito sa matinong pag-iisip.

Ang naturang bilang ng OFWs na umuwi sa Pilipinas ay ang pang-apat na batch na nai-repatriate mula sa Syria.

Nitong nakaraang September 15, 40 OFWs ang nakabalik ng bansa mula Syria, na nagpasailalim sa voluntary repatriation ng gobyerno.

Sa ngayon ay nanatili ang mga ito sa halfway house ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa Pasay City.

Karamihan sa mga umuwing OFWs ay mga household service workers na naging biktima ng human trafficking at illegal recruitment. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply