OFW na 8 araw pa lang sa Saudi naaksidente

UMAASA ang isang Pinoy na tatlong buwang naratay sa pagamutan sa Saudi Arabia na tutulungan siya ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) makaraan ang sinapit na aksidente sa ibayong dagat.

Bukas ay darating na sa bansa si Emmanuel Ortega, nang salat sa salapi matapos mabundol ng sasakyang minamaneho ng isang Saudi national noong Hunyo 28.

Sa ulat ng Department of Foreign Affairs (DFA), may walong araw pa lamang si Ortega sa Saudi nang maganap ang aksidente.

Hinihintay ni Ortega ang kanyang katrabaho upang sabay magtungo sa trabaho bilang mobile technician nang mabundol ng sasakyan.

Malubhang nabalian ng kanang binti ang biktima at dalawang buwang ginamot sa ospital.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply