OFW pinauwi sa ‘Pinas ng Qatar immigration dahil sa maling resulta ng medical exam

INIUTOS ng Qatar Medical Commission kay Angelito Cabillon, isang overseas Filipino worker (OFW), na sumailalim muli sa isang medical assessment upang mailabas ang kanyang Pataka o labor card. Matapos ang isang buwan at dalawang linggo bilang barista, iniutos ng Qatar Immigration kay Angelito na umalis ng kanilang bansa at umuwi ng Pilipinas sa loob ng 48 oras base sa mga sumusunod na dahilan:

Pumasok aniya siya sa Qatar ng may sakit na tinatawag na “lung scar.”

Ngunit batay sa kanyang pagtatrabaho sa Qatar Medical Commission, nag-aplay siya sa Jobsmanila International, Inc. (dating Achica International Placement Agency) nitong Enero 23, 2011. Matapos ang paulit-ulit na medical exam na isinagawa ng Physician’s Diagnostic Center, ang klinika na inendorso sa kanya ng Jobsmanila International, binigyan siya nito ng “fit to work” clearance kahit na ang inisyal na resulta ng kanyang medikal ay may “blurred” findings sa kanyang baga. Kasunod nito, idineploy na siya patungong Qatar, matapos ang dalawang araw nitong Mayo 19, 2011, na puno ng pag-asa at interes na makapagtrabaho sa ibayong-dagat para sa kapakanan ng kanyang pamilya.

Upang matugunan ang mga gastusin sa kanyang pag-aaplay ng trabaho sa ibayong-dagat, binigyan siya ng isang referral ng kanyang recruitment agency upang maka-avail ng loan mula sa PJH Group, isang lending group na pinagkalooban siya ng loan na umaabot sa halagang P40,000.00. Ang kanyang utang ay nagkaroon ng interes na umaabot sa P23,000.00 na maaaring bayaran sa loob ng anim na buwan. Inilista ng ating kabayan ang kanyang kuya bilang co-maker niya at nagbigay ng kopya ng titulo ng kanilang bahay upang maging kwalipikado para sa loan.

Sa hindi inaasahang pangyayari, ipinag-utos na umuwi siya sa Pilipinas nitong Hulyo 20, 2011 dahil sa nakitang “lung scar” sa kanyang medikal doon matapos makapagtrabaho ng isang buwan lamang. Ngunit batay sa kanyang pag-alis, cleared ang kanyang medical exam ayon sa Jobsmanila International.

Sa kanyang pagbabalik sa Maynila, sa araw din na iyon, namatay ang kanyang ama, 72 taong gulang. Matapos ang libing ng kanyang ama, nagtungo siya sa Jobsmanila International na nag-alok sa kanyang ng re-compensation sa halagang P10,000.00 lamang. Sinabi din aniya ng Jobsmanila sa kanya na nararapat na personal na lamang niyang ayusin ang kanyang problema sa lending company.

Pinayuhan si Cabillon ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na habulin ang unexpired portion ng kanyang 21 buwang kontrata na katumbas ng P392,000.00.

Ang pamilya ni Cabillion ay binubuo ng mga OFW, ang kanyang ama at ina ay nagtrabaho din bilang OFW sa Israel. Inamin din ng ating kabayan na kalahati ng kanyang buhay ay naging dedikado na sa kanyang pagiging OCW.

Tunay na nagbabantay ang inyong Bantay OCW sa pakikipaglaban ni Cabillon para makamit ang kanyang katarungan. Sa kasalukuyan, naghahanda na ang ating OFW  sa kanilang pagdinig na gaganapin sa National Labor Relations Commission (NLRC) sa Setyembre 14, 2011.

Samantala, hiniling naman ng ating mga katuwang na manananggol mula sa Integrated Bar of the Philippines (IBP) sa Jobsmanila International, Inc. na ilabas ang diumano’y “fit to work” medical certificate ng ating kabayan.

***

Bantay OCW programs

Telebisyon: NBN Channel 4 (Monday to Friday, 10:10pm-11:10pm)
www.ptni.tv

Radyo: Radyo Inquirer DZIQ 990 AM (Monday to Friday, 7:00pm-8:30pm)
Address: Media Resource Plaza Bldg., Mola cor. Pasong Tirad St., Bgy. La Paz, Makati City

Bantay OCW Foundation Operations Center (Monday to Friday, 8:00am-5:00pm)
631 Shaw Blvd., Mandaluyong City
Telephone Numbers: 535.7209/ 881.9423/ 0919.2140699
Email: susankbantayocw@yahoo.com/ bantayocwfoundation@yahoo.com

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply