OFW tinanggalan ng dila at mata sa Saudi

PINAKIKILOS na ng simbahan ang pamahalaan upang resolbahin at mabigyan ng katarungan ang isang overseas Filipino worker na tinanggalan ng dila at mata sa Saudi.

Ayon kay Catholic Bishops’ Conference of the Philippines National Secretariat for Social Action Justice and Peace  (CBCP-NASSA) executive secretary Fr. Edu Gariguez sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at Philippine Embassy sa Saudi Arabia, dapat nang kumilos ang pamahalaan upang bigyan ng katarungan ang sinasabing pag-suicide ng isang OFW sa naturang bansa.

Ikinalungkot ni Fr. Gariguez ang naturang pangyayari dahil ang mga OFW umano ay kinikilala bilang mga bagong bayani subalit tila napapabayaan din sila tuwing nangangailangan ng tulong at walang ginagawa ang gobyerno ng Pilipinas.

Ang naging reaksyon ni Fr. Gariguez ay dahil na rin sa ulat ng Migrante International kaugnay sa pagdating sa bansa ng labi ni Romilyn Eroy Ibanez, tubong North Cotabato na wala ng dila at mata.

Dagdag pa ni Fr. Gariguez, kung totoong nagpakamatay ang biktima ay bakit wala na itong dila at mata na laking pinagtataka ng simbahan.

Binatikos naman ni Lingayen Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz ang OWWA at ilang embahada sa bansa na mistulang palamuti lamang ng pamahalaan dahil sa mabagal at kawalan nito ng aksyon sa kalagayan, mga problema at mga kasong kinasasangkutan ng mga OFW.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply