Oil Deregulation Law aamiyendahan na

MATUTULDUKAN na ang kasuwapangan ng mga dambuhalang kompanya ng langis sa pananamantala sa motorista dahil nakatakda nang amiyendahan ang Oil Deregulation Law.

Ayon kay Sen. Ralph Recto, napapanahon ang pag-amyenda sa Oil Deregulation Law sa harap ng alegasyon na nagkakaroon ng overpricing sa presyo ng produktong

petrolyo upang limitahan ang kinikita ng mga kompanya ng langis.

Ipinabatid ni Sen. Ralph Recto na maghahain siya ng panukalang batas para amyendahan ang Oil Deregulation Law dahil sa kanyang pakiwari na pinaglalaruan lamang ng mga kumpanya ng langis ang nasabing batas.

Ayon kay Recto, chairman ng Senate committee on ways and means, isa sa dalawang

gusto niyang itulak ay ang pagpapahintulot sa mas maraming player sa oil industry upang sa gayon ay hindi na nakokontrol ng tinaguriang “Big 3” at ilang maliliit na player.

Sa ngayon, hindi nakikita ng senador ang kompetisyon ng mga kumpanya ng langis dahil nagpapantayan lamang sila sa presyo ng kanilang produkto imbes na magpababaan para makorner ang mga consumer.

Nais din ni Recto na magkaroon ng limit ang kita ng mga kumpanya ng langis upang sa gayon hindi na sila mawili sa overpricing ng kanilang produkto. Sa kalkula ni Recto, nasa P5 ang overprice sa presyo ng gasolina sa bansa.

Idinagdag pa ni Recto na may iba pa siyang panukala para maremedyuhan ang problema sa sobrang mahal ng gasolina sa bansa at ito ay kanyang ihaharap sa plenaryo ng Senado sa unang linggo ng Oktubre.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply