Oil spill pinangangambahan dahil sa sumadsad na barko

PINANGANGAMBAHAN ng Philippine Coast guard (PCG) ang pagakakaroon ng oil spill sa karagatang sakop ng Tumana Island matapos na sumadsad at tumagilid ang MV Dona Rita sa Biliran, Tacloban City.

Kinumpirma ni Commander Melchor Rebadilla ng Coast Guard Tacloban Station na sakay ng nasabing cargo vessel ang 16 anim na crew na mula sa Mindoro papuntang Tacloban City.

Ang MV Dona Rota ay nakatakda sanang magdiskarga ng 14,000 sako ng asin sa Tacloban ngunit sumadsad ito sa mababaw na bahgi malapit sa Tumata Island.

Ayon sa coast guard, maari umanong hindi natantya ng kapitan ang kanilang paglalayag kaya ito sumadsad sa mababaw dahilan upang tumagilid ng halos 20 degrees.

Maayos nang nailigtas ang mga crew at wala namang naiulat na nasaktan o nasawi sa naturang insidente. Gayunman, patuloy pa ring iniimbestigahan ng coast guard ang pangyayari. Jocelyn Tabangcura-Domenden

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply