Oiler ng barge nagpalutang-lutang sa Ilog Pasig

INIIMBESTIGAHAN ngayon ng Manila Police District ang pagkamatay ng isang 22-anyos na oiler ng isang barge matapos itong matagpuang palutang-lutang sa ilog na sakop ng Paco, Maynila kaninang madaling araw.

Kinilala ni P/SR. Insp. Joey de Ocampo, hepe ng MPD-Homicide Section, ang biktima na si Johnrey Haro, oiler at stay-in sa M/T Istoff Gusto, Island Integrated Offshore Services Inc. at tubong Oton, Abilay Norte, Iloilo.

Sa report ni PO2 Jose Gumilan, dakong alas-4:00 ng madaling araw nang matagpuan ni Jehu Perez, kasamahn ng biktima na palutang–lutang ang biktima sa Ilog Pasig na tabi ng M/T Istoff Gusto sa Cristobal St. Paco, Maynila.

Agad na ipinagbigay-alam ni Perea sa awtoridad ang natagpuan.

Una ito, sa pahayag ng tiyuhin ng biktima na si Joel Haro, alas-12:00 ng madaling araw nang matulog ang biktima at kinaumagahan ganap na alas-sais ay pinuntahan niya sa kanyang tinutulugan upang gisingin subalit wala ang biktima.

Wala namang nakitang anumang sugat sa katawan ng biktima. Gayunman, patuloy pa ring iniimbestigahan ang insidente kung may naganap na foul play.

Dinala na ang bangkay ng biktima sa St. Ivan Funeral Homes.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply