Ong, Tan wagi sa circuit showdown

SAKSI ang Batangas Racing Circuit sa tagumpay ni Eggy Ong sa ginanap na 7th round ng Circuit Showdown noong Setyembre 3. Ang pagkakapanalo ni Ong sa Grid R ang ikalawa niyang 1st-place finish sa karera ng taong ito. Sinegundahan siya ni Rafael Lao habang ang defending champion na si Marc Thomann ang pumangatlo.

Naka-podium finish naman si Paolo Mantolino sa Grid A, habang ang mga katunggaling sina Ferdinand Sia (na kasalukuyang championship leader) at Nino Garcia ang nagtuos para sa top spot. Nakapuntos si Garcia ng back-to-back wins, habang si JP Pacres ang nagwagi sa Grid B laban kay Marcus Timbol. Gayunpaman, tabla parin sa points standing ang dalawang Grid B racers.

Gamit ang kanyang DGL motorsports-CRX at EVO5, sinigurado ni Mato Tan na siya ang makakakuha ng top 2 spots at tanghaling hari ng Time Trials bagamat naging dikit ang laban nila ni Joby Tanseco, na gamit naman ang kanyang Skyline R35.

Wagi rin si Hernel Castillo para sa Group B, na sinegundahan ni Jeffrey Roxas-Chua, habang kinumpleto naman ni Chad Parian ang top 3.

Inuwi ni Palle Hansen ang unang pwesto sa Group C habang 0.5s lang ang naging lamang ng 2nd placer na si Jonathan Padilla kay Erin Pascual. Ang iba pang mga nanalo:

Group D
1.Ton Ton Ramos
2.Gilbert Chang
3.Trek Mendoza

Group E
1.Ariel Mayuga
2.Stevie Rojas
3.Jon Zapanta

Group F
1.Philip Katipunan
2.Only Malabanan
3.Jules Arambulo

Ang Circuit Showdown ay suportado ng Duro Tires, ROTA Wheels, DKC Tire Center, Speedlab, Dynapack, V-Kool, Richmond Autoparts, Discovery Suites, Mishimoto, Blox, Recaro, Pitworkz by Hongly, Foil A Car, XYZ Suspension, Z Works Carbon, Runstop Rotors, ECW Performance, Dynamic Suspension, HKS Lubricants, Garage 88 Bar & Resto, Turbo Time, Stoplight TV, Inside Motoring, Good Morning Philippines, Business Mirror at 99.5RT.

Para sa karagdagang impormasyon, maglog-in sa www.circuitshowdown.com.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply