‘Onyok’ bubuwelta sa N. Luzon mamayang gabi

BUBUWELTA ang Tropical cyclone “Roke,” (may lokal na pangalang Onyok) at sasaglit sa teritoryo ng Pilipinas mamayang gabi bago tumuloy tumungo ng Japan, ayon sa ulat ng state weather forecasters.

Sinabi ni Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration forecaster Aldczar Aurelio, ang naturang

tropical storm ay maaaring makaapekto sa kanyang maikling pagbisita sa gilid ng northern Luzon.”

Sa kasalukuyan, ang Roke o Onyok ay namataan sa boundary ng Pilipinas at Taiwan.

Sinabi ng Philippine-based weather site Typhoon2000 na pasado alas-9 ng umaga ang Roke/Onyok ay nagtataglay ng may lakas na hanging aabot sa 65 kph at kumikilos ng kanluran sa bilis na 9 kph, at maaaring kumilos papuntang Southern Japan.

Alas-6 ng umaga nang ma-update ng Japan Meteorological Agency na inaasahang ang “Roke” ay palapit na sa Southern Japan Sabado ng umaga.

Samantala, sinabi ni Aurelio na ang low-pressure area na malapit sa Batanes ay humihina na at hinigop na ng bagyong Onyok.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply