Operasyon ng dumpsites sa bansa binatikos

MAHIGIT isang libong dump at controlled dumpsite ang patuloy pa rin ang operasyon sa bansa sa kabila ng pinagtibay na Ecological Solid Waste Management Act of 2000 o Republic Act 9003 o naglalayong mapigilan ang masamang epektong idudulot nito.

Ayon kay Romeo Hidalgo ng November 17 Movement at co-Chair ng Task Force Dumps ng Eco Waste Coalition, noong 2004 pa dapat naipasara ang may 790 open dumpsite subalit marami pa ring local government officials ang hindi tumalima dito.

Base sa datos ng ahensya, umaabot sa 382 controlled dumpsite ang nakabukas pa rin hanggang ngayon.

Hamon ni Hidalgo kay Environment and Natural Resources Secretary Ramon Paje, na dapat siyang makipagpulong kay Interior and Local Government Jesse Robrero at Philippine National Police upang maipasara na ang dumpsites sa iba’t ibang panig ng bansa.

Kaugnay nito, isang kilos-protesta naman ang ikinasa ng mga kasapi ng Eco Waste Coalition kasama ang ilang mga residente ng Payatas dumpsite at Navotas, bitbit ang mistulang kabaong na puno ng basura kanina.

Layunin ng grupo na kalampagin at manawagan sa gobyerno na aksyunan na ang lumalalang problema sa basura sa bansa na matagal nang problema na hindi inaaksiyunan ng pamahalaan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply