Orcollo, Alcano pasok sa quarters ng World Cup of Pool

MATAGUMPAY na nakasunod sa yapak nina Efren “Bata” Reyes at Francisco “Django” Bustamante ng PHL-B ang tambalan nina  Dennis Orcollo at Ronato Alcano ng PHL-A tumbukin ang 8-7 come-from-behind victory kontra kina Jason Klatt at John Morra ng Canada upang kumpletuhin ang quarterfinals cast ng 6th World Cup of Pool sa The Block Atrium ng SM City North EDSA Biyernes ng gabi, Setyembre 9.

Humabol at tumabla lang ang dalawa sa Canucks sa unang 10 racks, 0-1, 1-1, 1-2, 2-2, 2-3, 3-all, 3-4, 4-all, 4-5 at 4-6 bago mahablot sa unang pagkakataon ang kalamangan sa 7-6.

Nakaharang sa 4th seeded na sina Orcollo at Alcano ang madalas maging kontrapelo na No. 7 Taiwan tandem nina Ko Pin-Yi at Ko Pin-Chung na umeskapo sa Italy na unseeded din gaya ng Canadians, 8-7.

Ang No. 5 pair nina Reyes at Bustamante ay katapat sa No. 4 duo nina Germans Ralf Souquet at Thorsten Hohmann na 8-4 winner kontra Malaysia. Liberty Icao

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply