Orcollo panalo agad sa pagbubukas ng World Pool Masters

QUEZON CITY—Sinargo agad ni Filipino cue master Dennis “Robocop” Orcollo ang kanyang unang tagumpay matapos talunin si Malta’s Tony “Tornado” Drago, 8-2, sa pagbubukas ng 19th year Party Poker World Pool Masters ngayon (Sabado, Setyembre 3) dito sa The Block ng SM North Edsa sa Quezon City.

Magandang tumbok ang ipinamalas ng top player ni Perry Mariano ng Bugsy Promotions na nagsukbit din ng titulo ng World Pool Masters noong nakaraang taon matapos talunin si Japanese Toru Kuribayashi, 8-3, sa finals sa Las Vegas, Nevada.

“In this race-to-8, winner’s break format, it’s important that you start the match well. Any mistake can easily lead to a loss because it’s such a short game and the players competing are so talented. So far, I’m pleased with how I am playing and I look forward to bringing this momentum to the next round and hopefully all the way to the championship,” sabi ng world No.1 Orcollo, na hindi nag aksaya ng oras matapos tumbukin ang 6-1 commanding lead sa race-to-8, winner’s break format na may pabuyang $20,000 top prize.

Pagkakamali ni Orcollo sa No.7 ball na naging dahialn para matapyas ni Drago ang laro sa 6-2 count bago kunin ni Orcollo ang nalalabing dalawang racks.

“It’s still too early to tell Dennis (Orcollo) although it’s a good start,” sabi ni Billiards Managers and Players Association of the Philippines (BMPAP) co-founder Ceferino “Perry” Mariano na personal na nagtungo at sumubaybay sa laro kasama ang kanyang maybahay na si Verna at fellow NCBL official Reli de Leon.

Sa panalo ni Orcollo ay nakatakda ang kanyang quarter-final showdown bukas (Linggo) sa ganap na 3:00 ng hapon, sa mananalo sa pagitan nina Chang Jung-Lin ng Chinese-Taipei at Shane Van Boening ng United States na kasalukuyang naglalaro habang isinusulat ito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply