Orcollo pasok sa World Pool Masters Finals

QUEZON CITY, Philippines — Matagumpay na nakapasok si defending champion Dennis “Robocop” Orcollo ng Pilipinas sa finals ng 19th Party Poker.net World Pool Masters Finals matapos talunin si Fu Jian Bo ng China ngayon (Lunes, Styembre 5) ginanap dito sa the Block Atrium ng SM North Edsa Mall.

Si Orcollo, top player ng Busy Promotions ni Perry Mariano ay giniba si Fu, 8-4, sa semifinal.

Si Fu na dinaig si Orcollo sa China Open at Challenge of Champion ay nagtamo ng scracth sa 12th frame na nagbigay daan kay Orcollo para maubos ang bola sa ibabaw ng lamesa.

Ang reigning World 8-ball champion Orcollo ay umarangkada agad mula sa pagbomba ng 4-0 hanggang 6-1 lead sa race-to-8, winner’s break format.

“Talagang inunahan ko agad siya, tinalo niya kasi ako sa China Open at sa Challenge of Champion. Ang hirap maghabol kasi masyadong maisksi ng laro tapus winner’s break format pa,” sabi ni Orcollo na target maging kauna-unahang manlalaro na makopo ang back-to-back World Pool Masters crown.

“Maraming salamat sa lahat ng sumuporta sa akin partikular na ang aking pamilya at ang aking asawa (Rona) at sina Boss Perry at Mam Verna (Mariano).” ani pa Orcollo.

Dagdag naman ni Billiards Managers and Players Association of the Philippines (BMPAP) co-founder Mariano “Sana hanggang sa finals pumanig ang bola kay Dennis (Orcollo).”

Kasama ni Perry ang kanyang maybahay na si Verna, fellow NCBL official Reli de Leon, asawa ni Orcollo na si Rona at mga Filipino crazy billiard fanatics ang nag cheer kay Dennis sa venue.

Ang former fisherman mula Bislig, Surigao del Sur ay makakalaban sa next round ang mananalo kina Darren Appleton ng England at Ralf Souquet ng Germany na kasalukuyang naglalaro sa isa pang final four affair habang isinusulat ito.

Bago makapasok sa semifinal round, tinalo ni Orcollo sina Tony Drago ng Malta, 8-2, at Chang Jung-lin ng Taiwan, 8-1, ayon sa pagkakasunod habang nagtala naman si Fu ng similar 8-5 victory kontra kina Chris Melling ng England at Jason Klatt ng Canada.

Nakataya sa torneong ito ang total prize pot $66,000 na may pabuyang $20,000 top purse sa champion.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply