Osang nilayasan sina Nora at Boyet

SA RED carpet premiere night ng “Sa Ngalan ng Ina,” mini-series ni Nora Aunor sa TV5 na ginanap sa The Block, Cinema 2 SM North Edsa, dagsa ang mga Noranian at would you believe? sarado pa ang Mall ay matiyagang naghintay ang fans ng Superstar sa labas para sila ang unang makakuha ng tickets.

Sulit naman ang paghihintay ng mga Noranian dahil binati at pinuntahan pa sila ng Superstar para makihalubilo pagkatapos ng screening ng pilot episode ng mini-series nito.

Maganda ang pilot episode ng Sa Ngalan ng Ina kung saan dalawa pa ang director nitong sina Mario ‘O Hara at Jon Red.

Mabilis ang takbo ng kwento kaya maganda ang dating at interesting panoorin. Sana lang hindi lumaglag ang takbo ng istorya.

Anyway, pagkatapos ng palabas ay nagkaroon ng question and answer portion sa mga artistang bumubuo nito sa pangunguna nina Nora, Christopher de Leon, Ian de Leon, Karel Marquez na super ganda ngayon, Nadine Samonte, Alwyn Uytingco (na maganda ang role at siguradong pag-uusapan), Rosanna Roces, Eugene Domingo atbp.

Kinilig ang fans nang aminin ni Ate Guy na hindi pa nawawala ang pagmamahal niya kay Papa Boyet (tawag ni Nora kay Boyet).

“Aaminin ko sa inyo nang mag-taping kami at magkaharap ni Papa Boyet ay kinabahan ako. Nandito pa rin (sabay turo sa puso) siya at may pintig pa rin,” prangka at matapang na pahayag ng Superstar.

Lalong naghiyawan nang sabihin at aminin din ni Papa Boyet na kahit anong nangyari sa buhay nila ay hindi pa rin daw nawawala sa puso niya si Mama Guy.

Sa premiere night ay gumawa ng eksena si Osang. Pagkatapos ng screening ay tumayo na ito at umalis ng venue.

Sabi ay ayaw raw nitong magpa-interview kaya umalis pagkatapos ng screening kahit alam ng buong cast na may interview portion afterwards.

Buti na lang nagkaroon ng pagkakataong matanong si Perci Intalan tungkol sa pag-alis ni Osang nang wala sa oras.

Sabi ni Mr. Perci, may lakad daw si Osang at Uge that time kaya nauna nang umalis ang dalawa.

Bongga at siguradong hahalakhak kayo sa katatawa sa inihanda nina Allan K, Eugene Domingo, Fabio Ide kasama ang Beergins, Six Feet Long Band at mga stand-up comedian ngayong gabi sa “Comedy Bar” pagkatapos ng “Imbestigador” sa GMA 7.

Kaabang-abang ang segment ni Fabio na magtuturo ng self-defense laban sa masasamang kawatan.

Ang tanong, matino naman kaya ang ituturo ni Fabio?

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply