Overseas Absentee Voting pinatututukan sa Comelec

INATASAN ni Senador Franklin Drilon ang mga opisyal ng Commission on Elections (Comelec) na gumawa ng paraan para mapataas ang bilang ng overseas Filipinos sa absentee voting (OAV) bilang paghahanda sa 2013 elections.

“Overseas voting is an important component of our democratic system in that it allows overseas Filipinos to participate in a political process, except that there has not been much response from overseas Filipinos,” ani Drilon, chairman ng Senate Finance Committee.

Ayon kay Drilon, ang aktuwal na bilang ng lumahok na botante noong 2010 elections ay umabot lamang sa 153,323 na 26% lamang mula sa kabuuang 589,830 registered absentee voters.

Nabatid pa na umabot sa kabuuang 224,884 Filipinos ang kasama sa bagong rehistrado na kung saan ay may nakalaang pondong P188 million para sa OAV noong nakaraang 2010 elections.

“This is only equivalent to one congressional district. The cost per voter is P1,227.62,”diin ni Drilon.

Inamin ni Comelec Commissioner Armando Velasco sa ginanap na budget hearing, na ang dahilan kung bakit mababa ang voter turnout ay dahil sa “mobility” na kung saan ay kinakailangan pang lumipat ang Filipino overseas sa ibang lugar para lamang makaboto.

Partikular na tinukoy ay ang “restrictions” sa ibang bansa sa anumang political activity na malaking epekto sa overseas Filipinos para makilahok sa halalan.

Inihayag naman ni Comelec chairman Sixto Brillantes sa nasabing pagdinig na nagbigay na ang Department of Budget and Management (DBM) ng P51.534 million para sa OAV allocation na nauna nang ipinanukala ng komisyon bilang bahagi ng kanilang overall budget sa Department of Foreign Affairs.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply