P.45M halaga ng muwebles nakumpiska ng PCG

NAKUMPISKA ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang P450,000 halaga ng furniture habang ibinibiyahe sakop ng Barangay Barra sa Capiz.

Ayon kay PCG-Capiz Sr.Chief Ramonito Napoles, hawak nila ngayon ang kapitan ng Bangka na si Dary Francisco kasama ang crew na sina Hilbert Francisco, Andy Francisco, Esteven Francisco, Ariel Rico at Raymund Diaz.

Nabatid na hiningan umano ng coast guard si Francisco ng dokumento na nagpapatunay na legal ang kanilang pagbiyahe ng 100 pirasong muwebles tulad ng mesa, upuan at iba pa ngunit wala silang maipakita.

Ang naturang mga furniture ay nagmula sa Sibuyan, Romblon at pag-aari nina Cynthia Rios at Adore Royo.

Ayon kay Napoles, nakatanggap sila ng imporamsyon na may iba-biyaheng mga furniture kaya agad silang nagsagawa ng operasyon.

Nasa pag-iingat ngayon ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang naturang mga muwebles.

Patuloy namang iniimbestigahan ng Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) at PCG- Capiz ang insidente. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply