P1.76B salary loan nailabas ng SSS sa first half ng 2011

TUMAAS ng 51 percent o umabot sa P1.76 bilyon  ang naipalabas na salary loan ng Social Security System (SSS) members  sa mga lalawigan sa Luzon sa unang kalahati ng taong 2011.

Ayon kay SSS President and Chief Executive Officer Emilio de Quiros, Jr., may mahigit sa 126,000 members sa Luzon ang nabigyan ng pautang mula Enero hanggang  Hunyo 2011 na mas mataas ng 38 percent sa kaparehong period ng 2010 na umaabot lamang sa 91,300 loan borrowers

“Salary loans are a privilege of members who are in good standing with SSS. We urge members to ensure they have up-to-date contributions and loan payments so they can avail of a salary loan for their short-term credit needs,” pahayag ni de Quiros.

Ang bawat SSS member ay maaaring makautang ng hanggang P24,000.

Upang maging eligible sa pautang, kailangan na ang isang miyembro ay may 36 monthly contributions at walang overdue salary loans. Alex Ching

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply