P1-B anomalya sa PNP isiniwalat ni Robredo

IBINULGAR ni Interior Secretary Jesse Robredo na P1 bilyon ang nawala sa Philippine National Police (PNP) dahil sa binabayaran nitong 2,000 ghost pensioners simula noong 2006.

Sinabi ni Robredo, dahil sa pagkakadiskubre sa mga pekeng tumatanggap ng pensyon, ipinagpaliban muna nila ang distribusyon ng retirement benefits upang bigyang-daan ang paglilinis sa database ng PNP Retirement and Benefits Administration Service.

Sa tala, umaabot sa P250 milyon kada taon ang naibibigay ng PNP sa mga pekeng pensioner simula noong 2006.

Kabilang ang mga ito sa 578,000 retiradong pulis.

Naniniwala si Robredo na isang malaking sindikato ang responsable sa panibagong anomalya.

Aniya, maaaring may kinalaman ang isang kinilalang “Marlon Reyes” sa nasabing anomalya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply