P1-B road user’s tax na inilipat sa PNP dinedma

HINDI na umano nagsagawa ng imbestigasyon ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa mahigit P1-bilyong pondo mula sa Motor Vehicle User’s Charge (MVUC) o ang road user’s tax na ibinigay ng nakaraang administrasyon sa Philippine National Police (PNP).

Ayon kay Public Works Secretary Rogelio Singson, wala na umanong panahon pa ang ahensya na imbestigahan pa ang isyu dahil ito ay noong nakaraan pang administrasyon nangyari.

Ipinatigil na rin umano ng kalihim ang pagpapatupad nito dahil ang memorandum of agreement ay sa pagitan ng dating mga nakaupo.

Sa COA report na inilabas ni Sen. Panfilo Lacson sa pagdinig na ginanap sa 2012 budget ng DPWH, ang P1.28 bilyon mula sa MVUC ay inilipat sa PNP mula 2005 hanggang 2010 para sa roadside maintenance activities kahit hindi mandato ng PNP ang ganitong mga programa.

Hindi rin umano nakatala ang mga fund transfer sa National Capital Region Police Office (NCRPO) book of accounts at wala ring official recepits.

Dapat umanong magsagawa ng imbestigasyon ang DPWH ayon kay Lacson upang hindi na maulit pa ang mga ganitong pangyayari.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply