P1-M bail bond ni Rep. Ecleo Jr., muling ibinasura ng judge

MULING ibinasura ni Judge Soliver Peras ng Regional Trial Court Branch 10 sa panibagong  mosyon ng kampo ni Dinagat Rep. Ruben Ecleo Jr. na makapagpiyansa ito ng P1 milyon.

Sa tatlong pahinang resolusyon na ipinalabas ng huwes, sinabi nito na mananatili ang warrant of arrest laban kay Ecleo  matapos makailang beses na hindi sinipot ang hearing sa kasong parricide.

Ayon kay Judge Peras, “rehash” na ang laman ng mosyon ng depensa na mabigyan ng konsiderasyon si Ecleo dahil umano sa seryoso ang karamdaman nito lalo na ang sakit sa puso.

Subalit ayon kay Peras, wala namang ebidensya na maipakita ang kampo ni Ecleo sa kalagayan ng kanyang kalusugan kung kaya’t  posibleng gawa gawa lang o fabricated  ang sinasabing malubha na ang sakit ng kongresista.

Sa kabila ng pagbasura  ng korte sa motion to bail ni Ecleo, giniit ng abogado nito na si Atty. Orlando Salatandre na muli pa rin silang magtatangkang maghain ng apela.

Magugunitang si Ecleo ay nahaharap sa kasong parricide, nang iturong pumatay sa kanyang asawa na si Alonah Bacolod, may siyam na taon na ang nakakaraan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply