P10B badyet ng Comelec tablado sa Senado

TINABLA ng Senate committee on finance ang P9.9 bilyong badyet na hinihingi ng Commission on Election (Comelec) matapos mabigo ang ahensiya na magsumite ng kaukulang dokumento hinggil sa paggagamitan ng pondo.

Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng komite, sinabi ni Sen. Franklin Drilon na inatasan nito ang Comelec na magsumite muna ng kaukulang dokumento upang makita nang malinaw ang Senado ang detalye ng gastusin ng ahensiya.

“We have requested the Comelec to submit a number of documents,” ayon kay Drilon.

Ayon kay Drilon, kailangan magsumite muna ng detalyadong pagpapaliwanag ang Comelec hinggil sa Matintenance and Other Operating Expenses (MOOE) at personnel services ang ahensiya upang matiyak na tama ang paggagamitan ng pondo.

“We just required certain detailed explanation of the MOOE, particularly on a number of items for professional services,” ayon kay Drilon,

Sinabi pa ni Drilon na kailangan din na suriin nang mabuti ng Senado ang P5 bilyong unobligated funds ng Comelec na kasalukuyang nasa kaban ng ahensiya.

Susuriin din ng Senado ang P51 milyon na pondo para sa overseas absentee voting na inilipat ng Comelec sa Department of Foreign Affairs (DFA) at ang hiwalay na P164 milyon para sa unfilled positions.

Binigyan ng Senado si Comelec chairman Sixto Brillantes ng dalawang linggo upang isumite sa  komite ang kaukulang detalye ng gastusin ng ahensiya upang muling isalang sa deliberasyon bago aprubahan sa plenaryo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply