P10M pekeng software nakumpiska sa AMA

NAKUMPISKA ng National Bureau of Investigation (NBI) ang P10 milyong halaga ng pekeng software sa isinagawang pagsalakay sa AMA Computer College, Inc. na kilala bilang isa sa top computer schools sa bansa.

Sa report ng NBI-Intellectual Property Rights Division (IPRD), pinasok ng ahensya  ang sangay ng naturang computer school sa Makati na matatagpuan sa 5486 South Superhighway dakong alas-10:00 ng umaga kahapon (Setyembre 20) at natapos dakong alas-3:00 ng hapon.

Ayon kay  IPRD chief Head  Agent Rommel Vallejo, armado umano ang raiding team ng ahensya ng anim na search warrant nang salakayin ang laboratory ng AMA na napaulat na gumagamit ng mga pirated na software.

Nakumpiska ang may 59 computer  mula sa Laboratory Nos. 3 at 4 na matatagpuan sa ikalawang palapag at Laboratory 5 sa ikatlong palapag ng AMA Computer College, Inc. kung saan dinala ang mga ito sa NBI main office sa Taft Avenue, Manila.

Isinagawa ang nasabing pagsalakay bunsod ng reklamo ng Autodesk Systems, Inc. na nagmamay-ari ng software ng Adobe Photoshop, Adobe CS2,Adobe Premier CS2, Adobe ReaderX, Adobe Premier Pro 2.0 at Macromedia Dreamweaver.

Sasampahan naman ng violation of Copyright Infringement (RA 8392) o Itellectual Property Rights ang mga sangkot sa paggamit ng pirated software. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply