P125 wage increase sa Kongreso nilulumot na

UMAALMA na ang militanteng grupo dahil halos hindi umuusad sa House of Representatives ang panukalang P125 Across the Board Wage Increase.

Ayon sa report, nanatili pa rin ito sa House Committee on Labor at nagsagawa ang mga miyembro ng konsultasyon sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.

Inalam na ng komite kung kakayanin ng ekonomiya ng bansa ang naturang pagtaas ng sahod subalit hindi pa nailalabas sa plenaryo upang maaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa.

Naglatag ng manifesto ang mga militanteng grupo kay Pangulong Benigno ‘P-Noy’ Aquino III na humihiling na gawing prayoridad ang P125 across-the-board wage increase.

Napag-alaman kay Anakpawis partylist Rep. Joel Maglunsod na personal nilang dinala sa bahay ni Aquino sa Times St., ang kanilang manifesto at umaasa ang mga manggagawa na ang susunod na Pangulo ng bansa ang tutupad sa matagal nang ambisyon ng mga karaniwang manggagawa.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply