P15M smuggled onions nakumpiska ng Customs

TINATAYANG aabot sa P15 milyong halaga ng kontrabando ang nakumpiska ng mga tauhan ng Special Operations Group ng Bureau of Customs (BOC) Region 10 sa Mindanao International Container Port (MICP) sa bayan ng Tagoloan, Misamis Oriental.

Pinangunahan ni Customs Intelligence Investigation Services Director Felomino Vicencio ang pagkumpiska sa mga smuggled imported onions o sibuyas na sinasabing nagmula pa sa bansang China.

Ang mga sibuyas ay itinago sa pitong 40-footer container vans na itinala ang consignee sa isang nagngangalang Pastrio.

Ayon kay Dir. Vicencio na naka-address umano sa Quiapo, Maynila ang nasabing kontrabando, ngunit nagtataka sila kung bakit napunta ito sa Misamis Oriental.

Tiniyak ni Vicencio na kanilang tutukuyin kung sino ang totoong nagmamay-ari ng mga sibuyas na iligal na ipinasok sa bansa upang masampahan ito ng kaukulang kaso.

Ayon pa sa opisyal, ang naturang illegal activity ay magdudulot ng malaking pagkalugi sa mga local onion growers sa bansa. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply