P160M nalugi sa PAL sa ‘strike’

AABOT sa P160 million ang lugi sa revenue ang Philippine Airlines (PAL) dulot ng isinagawang sit-down protest ng mga miyembro ng Philippine Airline Employees Association (PALEA).

Ayon kay PAL spokesperson Cielo Villaluna, sinabi ng opisyal na maliban sa mahigit 100 nakanselang biyahe, natuklasan din nilang sinira ng ilang strikers ang kanilang mga ground equipment.

Ayon sa opisyal, kabilang sa mga pinagdiskitahan ng mga nagwelgang empleyado ay ang kanilang pushback tractors, tow-tugs at deck loaders.

Ngayong araw, mahigit 100 biyahe pa rin ng flag carrier ng bansa ang kanselado.

Inamin pa ni Villaluna, inaasahang matatagalan pa bago bumalik talaga sa normal ang kanilang mga biyahe.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply