P35-M American cars nakumpiska ng BOC

SA KABILA ng napipintong pagkasibak sa tungkulin, patuloy na nagsisilbing tinik si Customs Commissioner Angelito Alvarez sa mga ismagler matapos na makumpiska ang anim na American-made na mga sasakyan na nagkakahalaga ng P35 milyon at tinangkang ipasok sa bansa ng walang mga kaukulang permiso.

Ang iligal na kargamento na nakapaloob sa tatlong forty-foot container ay isang 2007 Hummer H2, isang itim na 2007 Lincoln Navigator, isang asul na 2008 Cadillac Escalade at tatlong 2007 Cadillac Escalade na ivory, puti at itim.

Ayon kay MICP Collector Ricardo Belmonte, ang mga nasamsam na behikulo ay may pinagsamang halaga na P35 milyon.

Sa ulat na isinumite ng Enforcement Service Director Horacio Suansing Jr. at ESS Director Nestorio Gualberto, inihayag ni Alvarez na ang mga gamit na sasakyan ay naka-consign sa LG Miranda Transport Services na may business address sa Unit 1 and 4, Uniwidw Coastal Mall,Tambo Parañaque City.

Sa imbestigasyon na isinagawa ni Major Mariano Biteng Jr., district commander ng ESS command sa MICP at Capt. Paul Ditona, ang mga kargamento ay nanggaling pa ng New York, USA.

Inalerto ang mga container dahil naglalaman umano ito ang mga ito ng used vehicles, na labag sa batas.

Sa ilalim ng customs regulations, ang importasyon ng lahat ng klase ng gamit na sasakyan ay mahigpit na ipinagbabawal, maliban sa mga pagmamay-ari ng mga bumabalik na residente o immigrant at napapaloob sa authority to import na inisyu sa ilalim ng No Dollar Importation Program: mga behikulo para sa mga opisyal ng Diplomatic Corps at awtorisado ng Department of Foreign Affairs: at mga trak at bus na may awtorisado para mag-import ng Department of Trade and Industry.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply