P1B kinapon sa P4.8B CCT administrative cost

HINDI umubra sa Senate committee on finance ang tila palusot ni Social Welfare Secretary Dinky Soliman na kailangang gumastos ng P4.8 bilyon sa implementation cost ng Conditional Cash Transfer program kaya binawasan ito ng isang bilyon.

Sa pagtatapos ng pagdinig ng badyet ng DSWD nitong Biyernes sa Senado, sinabi ni Sen. Franklin Drilon na nagkasundo sila ng ahensiya na bawasan ng isang bilyon ang P4.8 billyong administrative cost sa implementasyon ng CCT program.

“The secretary has agreed that this will be realigned for more benefits to the beneficiaries of CCT. We have agreed on this. For 2012, P4.8 billion was allocated for implementation cost of the CCT. In other words, the CCT would involve a cash distribution of P34.6 billion. It will cost DSWD P4.8 billion to distribute P34.6 billion or approximately 12% of the P39.4 billion,” paliwanag ni Drilon.

Idinedepensa ni Soliman ang hinihingi nitong P49.2 bilyong badyet para sa 2012, at P39.9 bilyon mula dito ang inilaan sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o mas kilala bilang CCT program.

Sinabi ni Drilon na nakipagkasundo sila sa DSWD na rebyuhin ang implementation cost at limitahan ang porsiyentong kukunin sa kabuuang halaga upang mas marami ang mabigyan ng benipisyo sa programa.

Ganito rin umano ang mangyayari sa Pamana Project na may hiwalay na implementation cost.

Tiniyak ni Drilon na hindi papayag ang panel na gumastos ang pamahalaan ng P87 milyon bilang administrative cost sa Pamana project dahil may katulad na gastusin din ang ibang ahensiya sa naturang program sa badyet ng Department of Interior and Local Government at Office of the Presidential Adviser for Peace Process.

“At bottom, we will monitor closely the administrative overhead cost of CCT and Pamana project so that there will be no excess fat in as far as implementation is concerned, but rather place this money into more benefits of the beneficiaries,” ayon kay Drilon.

Nangako naman si Soliman na magsusumite ng DSWD ng detalyadong badyet sa implementation cost na inilipat mula sa 2011 badyet, na pinagkasunduan sa pagdinig.

“We will be providing the chair and the committee also a detailed expenditure under the implementation cost for 2012.”

Sa ilalim ng Pamana program, magkakaroon ng dalawang halige na program: una ang modified core shelter program at pangalawa ang livelihood program na ipatutupad sa conflict-affected areas na tinukoy ng OPAPP sa Mindanao, Cordillera, Bicon Region at Quezon.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply