P2.2-B assistance ng WB sa Pinas pirmado na

PIRMADO na ng World Bank (WB) at gobyerno ng Pilipinas ang bagong financing agreement para maibsan ang epekto ng mga kalamidad sa bansa.

Batay sa mensaheng ipinadala ng World Bank, aabot sa US$500 million (P2.2 billion) ang kanilang ibibigay bilang suporta sa mabilis na pagresponde sa pananalasa ng bagyo.

Nataon naman ito sa pananalasa ng bagyong Pedring at inaasahang pagpasok ng dalawa pang bagyo ngayong linggo.

Si Finance Sec. Cesar Purisima ang lumagda para sa gobyerno ng Pilipinas habang si Country Director for the Philippines Bert Hofman ang kumatawan sa World Bank.

Sinabi ni Purisima na mahalaga ang financing agreement lalo pa’t isa ang Pilipinas sa karaniwang sinasalanta ng bagyo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply