P24.166-M insurance claims matatangap ng mga magsasakang sinalanta ng bagyo

MAY P24.166 milyong pisong halaga ng insurance claims ang matatanggap ng may 13, 000 magsasaka mula sa Luzon na kabilang sa sinalanta ng bagyong Mina sa pamamagitan ng Philippine Crop Insurance Corporation ng Department of Agriculture.

Sa ulat kay Agriculture Secretary Proceso Alcala mula kay PCIC President Jovy C. Bernabe tiniyak naman nito na minamadali na nila ang proseso ng crop insurance claims para sa mga apektadong rice and corn  farmers .

Ayon kay Bernabe ang initial insurance claims aniya na P22.386 milyon ay ipambabayad nila sa palay farmers habang ang 1.708 milyon naman ay para naman sa corn farmers.

Magugunitang sa nakalipas na nagdaang bagyong Mina, daang ektaryang lupang taniman sa Ilocos, Cagayan valley at Central Luzon regions ang nangasira dahil sa pagkalubog sa tubig baha.

Dahil dito may kabuuang 12,778  mga magsasaka ang naapektuhan kung saan 12,627 dito ay palay farmers habang 152 ay corn farmers.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply