P25B kita sa Malampaya gamitin vs power hike

HINIKAYAT ni Sen. Ralph Recto ang administrasyon na gamitin ang P25 bilyong kita ng pamahalaan sa Malampaya Gas Project upang punan ang pagtaas ng singil sa kuryente sa pamamagitan ng National Power Corporation at Power Sector Assets and Liabilities Management Corp. (PSALM).

Isa lamang ito sa panukala ni Recto bilang pamamaraan na magagawa ng pamahalaan upang punan ang price hike sa bayarin at pasahe kabilang ang pagtaas ng singil sa kuryente.

“Sariwang nakakakuha ang pamahalaan ang P25 bilyon kada taon sa Malampaya gas project na maaaring gamitin upang punan ang pagtaas ng singil sa kuryente,” ayon kay Recto.

Sinabi pa ni Recto na maaaring kunin din ng pamahalaan ang kinikita sa remittances ng Government owned and Controlled Corporation (GOCCs) kabilang ang pondo nakakalap sa privatization

upang gamitin naman sa subsidyo sa Metro Trail Transit-Light Rail Transit (MRT-LRT) kapalit ng pagtataas ng singil sa pasahe.

Maaari rin aniyang magamit ng administrasyon ang P11 bilyong kinikita ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) kabilang ang P18

bilyong kita ng Development Bank of the Philippines na maaaring magpuno sa namimintong pagtataas naman ng singilin sa lahat ng ahensiya ng gobyerno at VAT sa toll.

Ibinabala ni Recto na kapag itinuloy ng pamahalaan ang planong pagtaas sa singilin at pasahe, lubha nang mabibigatan ang publiko na magreresulta sa di magandang kalagayan ng lipunan na maaaring magbunsod sa pag-aaklas ng middle class.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply