P26-M lobby fund ayuda ng US sa RH Bill

IBINULGAR ni Senate Majority Leader Vicente Sotto III na nagbigay ng $617,000 o P26 milyong lobby fund ang isang Amerikanong organisasyon sa Family Planning Organization of the Philippines (FPOP) upang mangampanya sa pagsasabatas ng Reproductive Health Bill na nakabinbin ngayon sa Kongreso.

Sa interview bago simulan ang sesyon nitong Lunes, sinabi ni Sotto na tinanggap

ng FPOP ang naturang pondo noong 2010 upang pondohan ang lahat ng aktibidad at

pagkilos ng FPOP na maisabatas ang RH bill.

“It was ($617,000) was released to FPOP in 2010, from International Planned

Parenthood Federation (IPPF),” ayon kay Sotto.

Sa kanilang website, sinabi ng IPPF na isa silang pandaigdigang organisasyon na

naghahatid ng serbisyo at nangungunang tagasuporta ng sexual at reproductive health at karapatan para sa lahat. Noong 1921, itinayo ni Margaret Sanger ang American Birth Control League na naging IPPF ngayon.

Naniniwala si Sotto na isinusulong ng FPOP ang family planning para kontrolin ang populasyon na nangangailangan ng lahat ng pamamaraan sa birth control kabilang ang legal abortion na madalas sa kanluranin.

“They want family planning to control the population and those organizations who

supports RH bill, supports abortions. Kaya huwag nilang ipagpilitan na walang

abortion sa bill,” giit ni Sotto.

Sinabi pa ni Sotto na inatasan ng IPPF ang naturang organisasyon na mangampanya

para sa pagsasabatas ng RH bill upang makakuha ng mas maraming pondo.

Ngunit, para naman kina Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at Sen. Antonio Trillanes IV, hindi sila mahihimok ng lobby funds o anumang grupo na sang-ayunan

ang partikular na batas dahil kung kailangan, susuportahan nila.

Sinabi naman ni Trillanes na hindi siya nakasandig sa lobbying kundi sa sustansiya ng batas na kahit walao meron mang pagpipilit, susuportahan niya ito.

“Kahit sino pa ang mag-lobby dyan, hindi naman ako nagpapadala. I based my

conviction on the law itself, and based on the actual policy,” ani Trillanes.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply