P3,000 umento sa SSS members ikinasa

IKINASA na ngayon (Biyernes, Setyembre 16) ni Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang panukala na dagdagan ng P3,000 umento ang pensiyon ng bawat miyembro ng Social Security System (SSS) upang makaagapay sa lomolobong halaga ng pamumuhay sa bansa.

Sa Senate Bill No. 2964 na inihain ni Marcos, iginiit nito ang pagtaas sa buwanang pensyon ng SSS member bunga ng walang patid na pagtaas ng presyo ng bilihin sa bansa, dagdag pa rito ang napipintong pagtaas ng singil sa kuryente, pasahe at ang nakakalulang presyo ng gasolina at iba pang produktong petrolyo.

“It is imperative to address the pressing needs of our country’s retirees by adjusting their pension rates in order to help them cope up with the spiraling cost of living,”paliwanag ni Marcos.

Ipinanukala ng senador na itaas ang minimum monthly pension sa halagang P3,000 at kada taon ay dagdagan ito ng P500 hanggang sa umabot sa P5,000 ang buwanan nilang pensyon.

“The new monthly pension rates as proposed in this bill shall be applicable to all Social Security System members regardless of the effectivity of their retirement,”giit ni Marcos sa kanyang panukalang batas.

Upang maisakatuparan ito, kinakailangang maamiyendahan ang Republic Act 8282 o ang Social Security Act of 1997, partikular ang Section 12 ng nasabing batas.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply