P300M loan sa ACEF nilustay sa bonus – Kiko

NAGHIHIMUTOK na ibinulgar ni Sen. Francis “Kiko” Pangilinan ang panibagong modus operandi ng tiwali sa Quedancor sa ilalim ng Department of Agriculture (DA) dahil umutang ang ahensiya ng P1 bilyon at P300 milyon dito ay ginamit sa bonus.

Sinabi ni Pangilinan na Nakatanggap ang kanyang opisina ng impormasyon na umutang P1 bilyon ang Quedancor sa Agriculture Competitiveness Enhancement Fund (ACEF) ngunit nilustay ang mahigit P300 milyon dito upang pondohan ang retirement benefits ng ahensiya.

Ginamit naman ang natitirang P700 milyon sa kuwestiyonableng swine program na may tatlong feed supplier na walang track records sa industriya ang nakinabang.

“Our sources relayed to us that P300M of the P1B loan was diverted to fund the retirement benefits of Quedancor officials,” ani Pangilinan. “The rest was used for the swine program where only three feed suppliers with no track record in the industry were accredited.”

Nauna nang naghain ng resolusyon si Pangilinan, chairman ng Senate committee on agriculture, upang imbestigahan ang iregularidad sa paggamit ng ACEF funds na walang ibang layunin kundi pautangin at tulungan ang magsasaka at mangingisda na mapaunlad ang kanilang sektor.

Natuklasan pa ni Pangilinan na may ilang kuwestiyonableng transaksiyon sa Quedancor loan kabilang ang zero repayment mula sa benepisaryo.

Talamak din umano ang ghost deliveries ng pataba sa Quedancor.

“We need to get to the bottom of this and send out the message that government will not tolerate these excesses. It is under the Aquino administration that we have this window of opportunity to end pervasive corruption in the bureaucracy,” giit ni Pangilinan.

“Napapanahon na para magkaron ng pag-asa ang ating mga magsasaka at mangingisda, pag-asa na mula ngayon e yung pondong nararapat mapunta sa kanila ay tunay na mapakinabangan nila. Huhubaran natin ng maskara ang mga walang kaluluwang mga tao na ito at inagaw mula sa ating mga naghihikahos na magsasaka ang pondong iilan lamang ang nakinabang,” pagtatapos ng senador. Ernie Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply