P386-M cash advance ni GMA nawawala

HINDI matagpuan ni Executive Secretary Paquito Ochoa ang mahigit P300-milyon cash advances ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo sa pondo ng Office of the President noong administrasyon nito.

Sa kanyang pagdalo sa isinagawang pagdinig ng Senate finance committee sa pamumuno ni Sen. Franklin Drilon, sinabi ni Ochoa na aabot sa P386 milyon mula sa P571-milyon badyet ang nagamit ng nakaraang administrasyon sa pagbibiyahe.

Hindi pa umano nagkakaroon ng liquidation ang nakaraang administrasyon sa naturang halaga at walang binanggit ang kasalukuyang executive secretary kung saang biyahe ginastos ang naturang pondo.

Ayon kay Ochoa, umaabot pa lamang sa P203 milyon badyet ang may liquidation at hindi matagpuan ngayon ang nalalabing halaga.

Kasalukuyang ipinagtatanggol ni Ochoa ang hinihinging P2.7 bilyon badyet ng Office of the President sa Senado.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply