P39B ‘limos’ ni PNoy sa masa, aprub na

KUNG masusunod lamang ang pangunahing kaalyado ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III, kaagad aaprubahan ang P39 bilyong pondo para sa Conditional Cash Transfer (CCT) Program na itinuturing na dole-out system ng administrasyon sa mahihirap.

Ayon kay Senador Franklin Drilon, walang ibabawas at buong aaprubahan ng Senate committee on finance ang hinihinging P39 bilyon ni Social Welfare and Development Secretary Dinky Soliman para sa CCT program sa 2012.

Mas mataas ito kumpara sa P21.1 bilyon na ginagastos ngayong taon ng DSWD.

Ikinatuwiran ni Drilon na lubhang nasisiyahan ang ilang senador sa resulta ng programa na pinatotohanan pa ng ilang pagsusuri tulad ni Sen. Edgardo Angara mna inendorso ang CCT program base sa inisyal na pagsusuri ng World Bank.

“In fact, complementing secretary Dinky Soliman by saying you’ve done a wonderful job. Senator Lacson, likewise, in support of the program and in the assessment of Lacson, the program is succeeding,” paliwanag ni Drilon.

Kanina ay dumalo si Soliman sa pagdinig ng Senate committee on finance na pinamumunuan ni Drilon na humihiling na itaas sa P39 bilyon mula sa kasalukuyang P21.1 bilyon ang kasalukuyang badyet ng CCT, isang limang taong program ng administrasyon na layunin na tugunan ang pangangailangan sa kalusugan at edukasyon ng benipisaryo.

Simula nang ipatupad ang programa noong 2008 hanggang sa pagtatapos ng 2011, aabot na sa P39.99 bilyon ang badyet nito. Sa pagtatapos ng 2012, aabot naman sa P79.4 bilyon ang kabuuang halagang ipapalabas sa programa at tatagal ang programa hanggang limang taon.

“In fact if you are to judge it on the basis of the assessment so far of various agencies, indeed there is a reason to be optimistic about the success of the program. There was an appraisal done by the UP college of public administration and governance and it would appear that in a conference with the regional and national for a of current leaders they have seen improvement of the participants in terms of their attitude, mindset and it certainly clarified  the role of the various agencies on the program.” P-ayon kay Drilon.

Inihayag naman ni Soliman na nakapagpurga na sila ng mahigit 155,900 pangalan ng benipisaryo sa programa noong 2010 at tiniyak na malinis na ang kasalukuyang listahan at sa mga susunod na taon pa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply