P4.1B technical smuggling case isinampa vs Jetti

KINASUHAN na ng Bureau of Customs (BOC) sa Deaprtment of Justice ng P4.1 bilyon technical smuggling case ang Jetti Petroleum Inc. kaugnany sa iligal na pag-import ng petrolyo.

Sinabi ni Customs Commissioner Angelito Alvarez na ang Run-After-The Smugglers (RATS) team ng BOC ay nakitaan ng documentary evidence ang Jetti Petroleum na gumagamit ng schemes of deception upang makaiwas sa buwis ng gobyerno.

Ang mga sinampahan ng kaso sa DOJ ay ang president ng JETTI Petroleum na si Joselito Tibayan Magalona at brokers na sina Darwin Suico at Dario Amolata.

Kabilang din sa kinasuhan ang ilang Customs employee na may kinalaman sa iligal na paglabas ng Jetti Petroleum ng maraming importations ng diesel at unleaded fuels sa pagitan ng June 2010 at June ngayong taon na may combined dutiable value na P4.1 bilyon.

Inatasan na rin ni Alvarez ang Post Entry Audit Group (PEAG) ng BOC na i-check lahat ang mga bagong importations ng Jetti  upang madetermina kung ginagamit pa rin ang modus operandi ng nasabing kumpanya.

Matatandaan na ang BOC ay nagsampa na rin ng smugging case laban sa Pilipinas Shell, Phoenix Petroleum, Cross Country, Oil Link at Filpride.

Ang Jetti ay 100% Filipino-owned company na malayang nakakapag-import, nakakapag-supply, at nakakapagbenta ng produktong petrolyo.

Isa rin itong malaking industriya ng langis sa Mindanao na may network stations na itinayo sa lungsod ng Davao, Cagayan de Oro, Iligan at Butuan, gayundin sa ilang lugar sa Bukidnon, Misamis Oriental, Lanao del Norte at Zamboanga del Zur. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply