P4.95-B para sa territorial defense upgrade

MISMONG si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang nag-utos sa pagpapalabas ng P4.95 billion para i-upgrade ang territorial defense capability ng  Armed Forces of the Philippines (AFP).

Kabilang ito sa pagbili ng anim na helicopters at isang high-endurance cutter sea vessel, katuwang ng BRP Gregorio del Pilar na binili sa Estados Unidos.

Sinabi ni Budget Sec. Butch Abad na partikular na pinapalakas ang depensa sa Malampaya gas project sa kanlurang bahagi ng Palawan.

Ayon kay Abad, paghahatian ang pondo sa capability requirements ng Navy at Air Force.

Noong Abril,  kabuuang P423 million ang inilabas para mabili ang BRP Gregorio del Pilar na dating gamit ng US Coast Guard at idineploy ito sa bahagi ng Recto (Reed) Bank na isa sa mga pinagtatalunang teritoryo sa West Philippine Sea.

Bilang reaksiyon, ikinatuwa ng AFP ang pag-release sa budget na nakalaan para sa modernization program.

Inihayag ni AFP public affairs office chief Col. Arnulfo Marcelo Burgos, isang positibong hakbang sa sandatahang lakas at buong sambayanan ang pag-apruba ng naturang pondo.

Ito aniya ang isa sa napakainam na paraan upang kanilang maisulong ang modernong kagamitan lalo na sa pagbibigay ng proteksiyon sa pag-aari ng bansa.

Kaugnay nito, mabibili na rin umano ng AFP ang mga kakailanganing kagamitan para sa AFP.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply