P400M utang ng Maynila sa Meralco

IPINAG-UTOS ni Manila Mayor Alfredo S. Lim na putulin lahat ang mga illegal connection ng kuryente sa mga nasasakupan upang huwag nang lumobo pa ang pagkakautang ng pamahalaang lungsod sa Meralco.

Nabatid na nagkasundo ang Manila City government at Meralco para mabawasan ang malaking bayarin sa kuryente ng lungsod.

Ayon kay Lim, nakagawa na sila ng paraan para hindi na lumobo sa mahigit P400 million ang kanilang electric bill.

Sa record ng Commission on Audit, isa sa nagpapataas ng kuryente ng Maynila ay ang mag-hapon at magdamag na streetlights.

Subalit malaking dagdag na pasanin ng lungsod ang mga iligal na koneksyon ng kuryente ng mga illegal vendors sa mga lansangan na sinasabing minamantini pa ng mga tiwaling barangay officials at mga pulis mga lugar tulad ng Quiapo, Sta. Cruz, Divisoria at Binondo.

Talamak din ang sinasabing  mga sindikato ng pailaw sa mga bangketa at mga palengke ayon sa pagsisiyasat ng COA.

Ipinangako naman ng alkalde na paiimbestigahan niya ito upang mapanagot sa batas ang mga abusado. Verlin Ruiz

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply