P490-M halaga ng pananim sinira ni Pedring sa Isabela

UMABOT sa P490 milyon ang halagang ng mga nasirang pananim sa Isabela bunsod ng pananalasa ng bagyong Pedring.

Batay sa panayam ng dzMM kay Isabela Governor Faustino Dy, halos 2,000 naman ang inilikas mula sa mga bayan ng Dinapigue, Maconacon, Divilican, Palanan, Cauayan, Benito Soliven at Ilagan.

Samantala, patuloy ang rescue operations sa mga residente na nata-trap sa kanilang mga kabahayan dahil sa pagtaas ng baha sa Echague, Angadanan at Ilagan.

Dagdag pa ni Dy, posibleng tumaas pa ang baha sa ilang bahagi ng lalawigan dahil sa pag-apaw ng mga ilog lalo na ng Cagayan River at pagpapakawala ng tubig ng Magat Dam.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply