P5-B pondo ng Pag-IBIG sa ‘Pedring victims’

LIMANG bilyong pondo ang ilalaan ng Home Development Mutual Fund (Pag-IBIG Fund) sa mga biktima ng bagyong Pedring.

Ito ang inihayag ni PAGIBIG deputy chief executive Emma Linda Faria na nagsabi ring bukas ang kanilang tanggapan sa pagbibigay ng calamity loan funds para sa mga miyembro na  nasalanta ng kalamidad.

Sa ilalim ng Calamity Loan Program ng Pag-IBIG, ang isang miyembro na may kabuuang 24 monthly contributions at nakatira sa lugar na idineklarang nasa ilalim ng “state of calamity” ay maaaring makinabang sa nasabing programa.

Ayon kay Faria, tinatayang nasa P10,000 hanggang P15,000 ang maaaring makukuhang loan ng bawat miyembro.

Babayaran ito sa loob ng 24 na buwan na may limang buwang grace period. Ang loan interest ay nasa 10.75 percent per annum.

Paliwanag din ng opisyal na maaari pa ring makakuha ng calamity loan ang Pag-IBIG members na may nakabinbing Multi-Purpose Loans, bagama’t ibabawas iyon sa bagong utang ang kanilang balanse.

Nakahanda rin ang kagawaran na mag-deploy ng mga tauhan sa mga calamity-stricken areas para tumanggap ng loan applications.

Una nang iniutos ni Vice President Jejomar C. Binay sa Pag-IBIG Fund na iprayoridad ang pagproseso sa mga calamity loan applications sa apektadong mga miyembro na nakatira sa iba’t ibang bahagi sa Luzon.

Nag-abiso na rin si Pag-IBIG Fund chief executive officer Atty. Darlene Marie B. Berberabe, na samantalahin ang programa dahil may prescriptive period lamang ito ng 90 araw matapos ang declaration ng state of calamity.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply