P50K sa mag-iiwan ng anak sa sasakyan

TUMATAGINTING na P50,000 ang imumulta sa sinumang magulang na mag-iiwan ng kanilang anak sa loob ng kotse na walang kasamang nakatatanda.

Layunin ng House Bill no. 5226 na iniakda nina Rep. Diosdado Macapagal- Arroyo (2nd District, Camarines Sur) at Rep. Gloria Macapagal-Arroyo (2nd District, Pampanga) na ipabatid sa publiko ang maaaring idulot na sakuna kung pababayaan ang bata na nasa walong gulang pababa sa loob ng sasakyan.

“Maaari itong ma-heat stroke, aksidenteng umandar ang sasakyan, choking, ma-kidnap, makalanghap ng toxic fume na maaaring ikamatay ng bata sa loob ng kotse,” sabi ng nakababatang Arroyo.

Naniniwala ang mag-inang Arroyo na sa pamamagitan ng wastong pamantayan at paalala sa mga magulang, maiiwasang mangyari ang ganitong sakuna.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply