P50M na bigas sa nawalang container, natunton

PATULOY ang kampanya ng Bureau of Customs sa pagtunton sa mga nawawalang container vans at bunsod nito ay natuklasan ng ahensya ang isang bodega kung saan na-divert ang mga kargamento na dapat umano ay dadalhin sa Batangas Port.

Sa pag-iimbestiga ng Customs Intelligence and Investigation Service Division sa pangunguna ni Chief Joey Yuchongco, nakalap ng grupo ang impormasyon sa mga log book ng Asian Terminal Inc. kung saan nakatala ang mga nawawalang container vans at mga pangalan ng mga drayber ng mga ito.

Dito na nagsimulang luminaw ang imbestigasyon ng isa sa mga drayber ng mga container vans ang nagturo kung saan dinala ang mga kargamento na dapat umano ay bibiyaheng Batangas Port.

Itinuro ng drayber ng container van ang isang bodega sa No. 63, C3 Road Dagat-Dagatan, Caloocan City kung saan niya dinala ang container van matapos lumabas ng Port of Manila na naglalaman ng tone-tonladang bigas.

Agad-agad nagpalabas ng mission order si Customs Commissioner kay CIIS division chief Joey Yuchongco at sinalakay ang naturang bodega.

Sa ginawang pagsalakay ay tumambad ang tone-toneladang bigas na aabot umano sa halagang P50 milyon. Ang mga bigas na galing umano sa bansang Thailand at Vietnam ay isinasalin sa mga sakong may tatak ng mga lokal na rice mill upang palabasin umano na ang mga bigas ay produktong pilipino bago ito ibebenta sa lokal na pamilihan katunayan ay ang mga narekober na mga sakong may tatak ng bansang Thailand at Vietnam na wala ng mga laman.

Sa mga record book ng bodega na nasamsam, nagtugma ang mga rekord ng ATI sa numero ng mga container vans na lumabas ng POM sa mga pumasok na container vans sa sinalakay na bodega na pag-aari umano ng isang Sunny Angeles sa ilalim ng business name na Uni -Nexus Trading na siyang nakatala sa mga permit ng City Hall at National Food Authority na nakapaskil sa dingding ng bodega.

Ipatatawag umano ni Alvarez ang nabanggit na warehouse operator upang malaman kung sino ang may-ari ng mga kargamento ng bigas na ipinasok sa kanyang bodega maging ang iba pang drayber ng mga nawalang container vans na maituro ang mga bodegang pinagdalhan ng mga na-divert na kargamento upang mabawi ng pamahalaan ang revenues at buwis na dapat na mapunta sa kaban ng bayan. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply